Friday, June 21, 2013

Batang 90's


Ako'y isang batang 90's



Hi kamusta na kaibigan? Kwento muna tayo about sa kabataan natin, ako ay isang batang 90's lumaki ng hindi pa masyadong uso ang internet at computer desktop laptop tablet cellphone. 

Tanda ko pa ang aking mga nilalaro noon ang pinaka unang natutunan kong laruin ay tumbang preso, taguan tao, patintero, siyato, at sa mga babae naman na nakikita kong nilalaro nila ay bahay- bahayan, piko at chinese garter. Sarap balikan ng kabataan diba?

Habang tumatagal lalo kong na mi-mis ang kabataan ko, pero hindi na maibabalik pa lahat. Ang lahat ng iyon ay pawang mga alaala na lamang na lumipas pero hindi parin makakalimuta.

Sa pag lipas ng panahon marami na ang mga pag babago, yung mga dating laro ay parang hindi na ata alam ng mga kabataan ngayon modern age na nga tayo computer, laptop, tablet, psp, x-box, ps1, ps2, ps3, internet, youtube facebook games at marami pang iba. Ang alam ko nung aking kabataan ang pinaka high tech na sakin laruan ay family computer yung tipong hihipan mo pa ang bala pag isasalang mo sa family computer.

Mahilig pa nga kami pumunta sa peryahan ng mga kaibigan pag mag pi fiesta sa lugar namin. Ang sarap balikan ng lahat ng ito. Kaya nga minsan ang mga anak ko pag minsang nag iisip bata ako ay tinuturo ko sa kanila ang mga nilalaro ko dati para naman kahit papaano ma experience din nila ang pagiging batang 90's ko noon.

Nanjan yung nag tataguang tao kami tumbang preso, pogs, teks, at kung ano ano na rin ang mga naituro ko sa mga anak ko na nilalaro ko noong kabataan ko.

At syempre hindi mawawala ang mga kanta noong kabataan ko. Ito siguro alam nyo ang kantang ito kung isa ka sa mga batang 90's


Hanggang dito nalang po muna sana natuwa ka din sa kwentuhan natin sabi nga ni kuya bogie hanggang sa muli Paalam......

1 comment: