About Me

Patrick Gino

Hi! I'm Patrick Gino isang Blogger from Daet Cam Norte. Sa page kong ito ipapakilala ko at malalaman mo kung sino ba talaga ako...

Kwentuhan ko muna kayo tungkol sa buhay ko. Sana pag natapos mong mabasa ang kwento ng buhay ko ay maging online friend na tayo. Game ka na ba? Ako ready na!
Taken at Our Old House Tanza Navotas City year 1990

Bata palang ako ang dami ko ng pangarap sa buhay, tanda ko pa dati pag tinatanong ako ni ermat at erpat kung ano ang gusto ko pag laki lagi kong sinasabi sa kanila na gusto kong maging isang piloto :) pag laki ko.

hindi naman kami mayaman may simpleng pamumuhay kumakain din naman ng tatlong beses sa isang araw isang mekaniko ng sasakyan si erpat at isang mabuting may bahay si ermat. Pinalaki kami ng aming magulang na may takot sa diyos at tinuruan nila kami kung paano gumalang sa ibang tao matanda man o hindi.

Simula nung bata pa ako lahat ng mga pinag liitan na damit ng mga kapatid ko sa akin ang bagsak sa madaling salita lahat ng pinag lumaan nila ako ang sumasalo kaya kung mag karoon man ako ng bagong damit yun ay tuwing pasko lang ganon na talaga siguro ang kapalaran ng bunso. Dahil ako ang bunso sa tatlong anak nilang lalaki. no choice ako kundi tumahimik nalang sa ganoong sitwasyon.

Tanggap ko na din dahil alam ko naman ang kalagayan ng pamumuhay namin. Taong 1991 ng lumipat kami ng Daet Camarines Norte Mula Tanza Navotas City e dinayo pa namin ang probinsya ng Daet para makapag simula ng panibagong kapalaran maliit pa ako nun at ako ay grade 1 palang ng mga panahon na yun.
Taken at Borabod Daet Cam Norte year 1991

Mula sa isang urban life ay nakaka panibago talaga ang aming napuntahan mga kausap mo minsan hindi mo maintindihan bicol kasi ang salita nila at ang klima dito ay probinsyang probinsya bukid ang harap ng bahay at mga halaman ang nakapaligid at matatanaw mo sa mga panahon na iyon.

Pero maraming mga pasyalan na kung ang gusto mo ay nature trip ang daming pwedeng puntahan sa mga panahon na yun. Yung picture na nasa ibaba ay kuha ito sa Mampurog Daet Cam. Norte. Isang Running Water mula sa Bundok. Ang masasabi ko lang talaga ay masarap balikan ang mga nakaraan lalo na pag nakikita ko ang mga photo namin noon.

Taken at Mampurog year 1991

dahil sa bata pa kaming mag kakapatid nun eh hindi pa namin masyadong alam ang mga nangyayare sa aming pamumuhay. Para sakin basta kasama ko lang ang mga magulang ko kahit saan kami makarating okay na okay sa akin.

Isang taon ang aming pinamalagi sa probinsya ng Daet at sa loob ng isang taon nakapag aral kaming mag kakapatid sa public school ng Daet Elementary School, ang kabuhayan ng mga magulang ko sa probinsyang aking nabanggit ay isang maliit na tindahan sa Public Market ng Bayan ng Daet. at may maliit na School Supplies Store sa tapat ng Daet Elementary School.

Taken at Boarabod Daet Cam Norte Lupton Residence Year 1995
Kaya kami napad pad sa Bayan ng Daet ay dahil sa aking Ermat at ang aming Lola na nanay ng aking Ermat. Ang aking Ermat ay isang bicolana, at ang aking lola naman ay naka pag asawa ng isang Bitish at yun si Uncle Tony. Napaka Bait ng dayuhan na ito mapag mahal di lang sa kapwa pati narin sa mga hayop.

Taong 1991 ng kinausap ang aking ermat ng aking lola na lumipat kami ng tirahan sa bicol. Nung mga panahon na yun naisipan ng dayuhan na si Uncle Tony na manirahan dito sa pilipinas. at mamuhay kasama ang aking Lola.

Mistulang naging Reyna ang aking Lola na si Mama Tuding dahil lahat ng gusto nito ay binibigay ng dayuhan na asawa. Naging masagana ang Pamumuhay ng Pamilya namin nun dahil sa tulong ni Uncle Tony...

Si Erpat ang pinag katiwalaan ni Uncle Tony ng mga panahon na nabubuhay pa sya. Dahil may namana naman si erpat sa naibentang palaisdaan ng kayang lola ay naisip narin ni erpat na mag patayo ng bahay katabi ng bahay ng dayuhan na si Uncle Tony. At binigyan si Ermat at Erpat ng Puhunan para makapag simulang mag tayo ng negosyo. At yun ang naisip nila na negosyo ang tindahan sa palenke at school supplies store sa tapat ng aming paaralan.

Hindi pa kasi masyado marami ang mga sasakyan sa lugar ng daet nung mga panahong iyon kaya hindi itinuloy ni erpat ang pag mimikaniko at mag tayo ng talyer sa bayan ng Daet. kasama si Ermat pinag tuunan nila ng pansin ang pag titinda.

Sa loob ng isang Taon napakarami ang nangyare. Maraming napapansin si erpat sa mga nangyayare sa aming at ramdam nya din ang lungkot sa lugar namin kesa nung nasa manila pa kami. siguro nga sa loob ng isang tao eh hindi pa sapat para makapag adjust kami ng sistema ng pamumuhay. Dahil sa purong tagalog kami ay hirap kami makipag usap sa mga taga Daet na talaga dahil ang salita nila ay may halong bicol.

Bago matapos ang School Year ay kinausap ni ermat at erpat ang aking lola at ang british na kami ay babalik na sa manila para ipag patuloy ni erpat ang kanyang negosyong talyer sa aming lumang bahay. At alam ko din naman na hirap din si erpat ng mga panahon na yun dahil ayaw din nyang i-asa ang kabuhayan namin sa aming lola at british sa madaling salita ay nahihiya ,na sila sa binibigay sa kanilang tulong ng british at ng aking lola. Isa pa Lapitin si erpat ng Inggit dahil kinaiingitan sya ng mga kapatid ng aking Ermat dahil sya ang pinag katiwalaan ng British.

Basta talaga ang isang tao ay malaki ang inggit sa katawan ay sisirain ka nito walang pinipiling Kamag anak kakilala o kaibigan.

Ang Pag Babalik sa Balwarte!

Taong 1992 ng bumalik kami sa Tanza Navos City. Tuwang tuwa kaming mag kakapatid dahil makakasama nanaman namin ang aming mga pinsan kalaro at mga kaibigan sa aming lugar kung saan ako lumaki.

sa aming pag babalik sa aming balwarte dito muling nag umpisa si erpat na bumuo muli ng mga pangarap sa buhay. Sa aming lumang bahay na may garahe at talyer itinuloy ni erpat ang pag gawa ng mga sasakyan binuksan nya ulit ang talyer at hindi rin nag tagal ay bumalik din ang mga kliyente ng aking erpat.

halos araw araw hindi nawawalan ng gawa si erpart at mas lalo syang nakilala at minahal ng aming mga kalugar sa aming balwarte. Dahil sa magaling ng makisama totoong tao madiskarte sa buhay at polido kapag gumawa ng isang bagay. Hindi mo kailangang turuan dahil alam na alam nya ang kayang ginagawa.
Pangalawa sa kaliwa na naka pangalong baba ako yan :)

Ang mga pamangkin nya na mga pasaway sa aming lugar ang kanyang tinuruan at binigyan ng kaalaman sa pag kumpuni ng sasakyan. ilang taon din naging maayos ang aming buhay simula ng bumalik kami sa aming lugar. Pero ang pag angat ng pangalan at kalidad ng gawa ni erpat ay hindi namin akalain na masisira sa isang maigsing panahon na yun.

Mismong kamag anak ni erpat pala ang sisira sa lahat ng iyon. Ang inggit nga naman talagang walang magandang  idudulot sa buhay ng tao. Inggit ang sumira sa kinabubuhay ng aking erpat at ang masakit pa nun ay mismong kamag anak pa ang sya kumalaban sa kanya.

Pero hindi nag paapekto si erpat sa ginagawa ng kanyang kamag anak patuloy lumaban at di nawalan ng pag asa ang aking erpat sa mga araw linggo buwan at taon na nag daraan. Patuloy na nanalig ang aking erpat sa diyos at tinuruan nya ang sarili nya na mag pakumbaba sa bali ng ginagawang paninira sa kanya ng kanyang kamag anak.

At hanggang sa dumating sa puntong ang aming Kalsada ay patataasin. Dahil sa madalas na pag baha sa aming lugar. At nag karoon ng pag kakataon ang kanyang kamag anak na tuluyan ng sirain ang kinabubuhay ng aming pamilya. Sa pag taas ng Kalsada ay naiwan naman ang aming Eskenita na mababa yun ay dahil sa tinutulan ng mga kamag anak ni erpat na huwag taasan ang eskinita dahil sakop ng kanilang lupa ang tatambakan at patataasin. Kahit pag lagay ng daanang sasakyan para makapasok sa talyer ni erpat ang mga mag papagawa ay hindi na makadaan dahil tinutulan nila na lagyan ang pakiusap ni erpat para makadaan ang sasakyan at maka pag operate parin ang talyer.

Sobrang sama ng ginawa nila sa aming lugar na kung dati ay masyang naka pag lalaro ang mga bata sa kahabaan ng eskinita namin ngayon ay hindi na makapag laro dahil sa stock na tubig ng baha. dahil araw araw ay bumabaha sa aming eskinita dahil ito nalang ang naiwang mababa sa lugar ng Tanza Navotas City.

Muling Nawalan ng pinag kakakitaan si erpat. Ang mga nag papagawa sa kanya ay dumalang na at home service nalang ang kanyang ginagawa. Ramdam ko ang sakit ng kalooban ni erpat kahit bata pa ako nun katatapos ko palang ng grade 6 nun at sapat na siguro para sakin na hindi ko makalimutan ang mga nangyayareng iyon sa aming buhay.

Nanjan na rin yung halos kumakain nalang kami ng isa o dalawa sa isang araw kahit na tinapay at kape sapat na. para mag kalaman lang ang sikmura. Halos mawalan ng pag asa si erpat sa ng yayare sa aming buhay. Nanjan yung gabi gabi iinom ng Gin si Erpat para maisiwalat ang nilalaman ng damdamin nya at isigay sa kahabaan ng iskinita na ano ba ang ginawa nyang hindi maganda sa mga kamag anak nya at gann nalang ang ginawa nila sa aking erpat.

ang mga salita ni erpat ang talagang tinatandaan ko at tumatak na ito sa aking utak. Kaya kaming mga anak nya ay kinasuklaman o kinainisan namin kung sino ang kumakalaban sa aming erpat. Pero hindi lang kami ang sinira ng magaling na kamag anak ng aking erpat kundi ang lahat ng mga nakatira sa Eskina na iyon hanggang sa kaduluhan ng doongan ay sinira ang lahat ng mga kabuhayan sa lugar na yun... To Be Continue....


No comments:

Post a Comment