Friday, April 4, 2014

Bakit ayaw mo sa business ko?


Hi! Mga payaman hehe lumang Style na yan hahaha... May ikukwento lang ako kahapon habang nag pe-Facebook ako may nag PM sakin na isa din Networker at sa ibang Company...

 at ito ang napag usapan namin...


Si Networker - Patrick kamusta ka na?
Ako - Okay lang po :)
Si Networker - Kamusta naman ang MLM Business mo?
Ako - Okay naman po :)
Si Networker - Mayaman kana siguro?
Ako - isang Blank PM na may Ngiting abot hanggang Tenga :)
Si Networker - Maganda ang MLM Business diba? Pero mas maganda kung ang Company mo ay maganda ang Product.
Ako - Oo naman po maganda ang MLM Business at syempre dapat ang company mo ok din :)
Si Networker - Oo maganda ang Company ko na "TOOT TOOT" at sigurado ako na kikita ka dito ng malaki at makakaahon ka sa hirap ng buhay...

...Nang sinabi nya ulit sakin ang Company nya biglang nag Chupy ang tingin ko sa screen ng PC ko. natawa lang ako sa sinabi nya...

Ako - Oo nga po maganda ang company nyo pero lahat naman ng MLM business ay maganda ang bawat tao po kasi ay may kanya kanyang pamamaraan para kumita sa ganitong business.
Si Networker - Oo nga pero mas maganda parin ang Company ko na "TOOT TOOT".

Sige kuya ipush mo yan :) Gusto mo lang kasi lagi ikaw ang bida eh. hehe pilit ako pinapasali sa Company nya para daw guminhawa na ang buhay ko :) naisip ko tuloy na ideal si Networker sa ganitong paraan.

Ako - Sige ganito nalang po ang gawin natin mag jo-join ako sa Company mo at Mag jo-Join ka din sa Company ko pero ang pag join ako sa company mo ay babayaran mo yung payent ko sa company mo at babayaran ko naman yung pag join mo sa company ko patas na po yan diba? Para naka join na ako sayo matutulungan mo ako at naka pag join ka sa akin at natulungan din kita...

At biglang nag laho na parang bula si Networker :)

Ang natutunan ko sa ganitong business ang kailangan ay maging down to earth ka wag yung puro sarili nalang ang binibida at ayaw din makinig sa taong kausap...

Tip lang po Networker mas mainam na pakinggan mo mo muna ang taong kinakausap mo para malaman mo kung ano ang mga gusto nya para madali mong makuha ang loob nya. Kahit pa na gaano kaganda ng product o company mo kung ang pakikitungo mo sa tao ay hindi maganda at sarili mo lang ang ibibida mo ay useless ang technique na yan. Kahit na pakitaan mo sya ng maraming salapi at pauskan mo sya na mag lalabas ka ng bagong sasakyan isa lang ang kalalabasan mo sa kanya MAYABANG ANG DATING mo sa kanya.

Dahil ang Business na ito ay hindi tungkol sayo Ang dapat ay tungkol sa kanya.

Good Night Networker and have a nice day :)
About the Author

No comments:

Post a Comment