Thursday, June 26, 2014

Ang Pag Babalik sa Balwarte!


Taong 1992 ng bumalik kami sa Tanza Navos City. Tuwang tuwa kaming mag kakapatid dahil makakasama nanaman namin ang aming mga pinsan kalaro at mga kaibigan sa aming lugar kung saan ako lumaki.

sa aming pag babalik sa aming balwarte dito muling nag umpisa si erpat na bumuo muli ng mga pangarap sa buhay. Sa aming lumang bahay na may garahe at talyer itinuloy ni erpat ang pag gawa ng mga sasakyan binuksan nya ulit ang talyer at hindi rin nag tagal ay bumalik din ang mga kliyente ng aking erpat.

halos araw araw hindi nawawalan ng gawa si erpart at mas lalo syang nakilala at minahal ng aming mga kalugar sa aming balwarte. Dahil sa magaling ng makisama totoong tao madiskarte sa buhay at polido kapag gumawa ng isang bagay. Hindi mo kailangang turuan dahil alam na alam nya ang kayang ginagawa.
Pangalawa sa kaliwa na naka pangalong baba ako yan :)

Ang mga pamangkin nya na mga pasaway sa aming lugar ang kanyang tinuruan at binigyan ng kaalaman sa pag kumpuni ng sasakyan. ilang taon din naging maayos ang aming buhay simula ng bumalik kami sa aming lugar. Pero ang pag angat ng pangalan at kalidad ng gawa ni erpat ay hindi namin akalain na masisira sa isang maigsing panahon na yun.

Mismong kamag anak ni erpat pala ang sisira sa lahat ng iyon. Ang inggit nga naman talagang walang magandang  idudulot sa buhay ng tao. Inggit ang sumira sa kinabubuhay ng aking erpat at ang masakit pa nun ay mismong kamag anak pa ang sya kumalaban sa kanya.

Pero hindi nag paapekto si erpat sa ginagawa ng kanyang kamag anak patuloy lumaban at di nawalan ng pag asa ang aking erpat sa mga araw linggo buwan at taon na nag daraan. Patuloy na nanalig ang aking erpat sa diyos at tinuruan nya ang sarili nya na mag pakumbaba sa kabila ng ginagawang paninira sa kanya ng kanyang kamag anak.

At hanggang sa dumating sa puntong ang aming Kalsada ay patataasin. Dahil sa madalas na pag baha sa aming lugar. At nag karoon ng pag kakataon ang kanyang kamag anak na tuluyan ng sirain ang kinabubuhay ng aming pamilya. Sa pag taas ng Kalsada ay naiwan naman ang aming Eskenita na mababa yun ay dahil sa tinutulan ng mga kamag anak ni erpat na huwag taasan ang eskinita dahil sakop ng kanilang lupa ang tatambakan at patataasin. Kahit pag lagay ng daanang sasakyan para makapasok sa talyer ni erpat ang mga mag papagawa ay hindi na makadaan dahil tinutulan nila na lagyan ang pakiusap ni erpat para makadaan ang sasakyan at maka pag operate parin ang talyer.

Sobrang sama ng ginawa nila sa aming lugar na kung dati ay masyang naka pag lalaro ang mga bata sa kahabaan ng eskinita namin ngayon ay hindi na makapag laro dahil sa stock na tubig ng baha. dahil araw araw ay bumabaha sa aming eskinita dahil ito nalang ang naiwang mababa sa lugar ng Tanza Navotas City.

Muling Nawalan ng pinag kakakitaan si erpat. Ang mga nag papagawa sa kanya ay dumalang na at home service nalang ang kanyang ginagawa. Ramdam ko ang sakit ng kalooban ni erpat kahit bata pa ako nun katatapos ko palang ng grade 6 nun at sapat na siguro para sakin na hindi ko makalimutan ang mga nangyayareng iyon sa aming buhay.

Nanjan na rin yung halos kumakain nalang kami ng isa o dalawa sa isang araw kahit na tinapay at kape sapat na. para mag kalaman lang ang sikmura. Halos mawalan ng pag asa si erpat sa ng yayare sa aming buhay. Nanjan yung gabi gabi iinom ng Gin si Erpat para maisiwalat ang nilalaman ng damdamin nya at isigay sa kahabaan ng iskinita na ano ba ang ginawa nyang hindi maganda sa mga kamag anak nya at gann nalang ang ginawa nila sa aking erpat.

ang mga salita ni erpat ang talagang tinatandaan ko at tumatak na ito sa aking utak. Kaya kaming mga anak nya ay kinasuklaman o kinainisan namin kung sino ang kumakalaban sa aming erpat. Pero hindi lang kami ang sinira ng magaling na kamag anak ng aking erpat kundi ang lahat ng mga nakatira sa Eskina na iyon hanggang sa kaduluhan ng doongan ay sinira ang lahat ng mga kabuhayan sa lugar na yun... Itutuloy....

HINDI MO BA NABASA ANG UNANG YUGTO NG AKING BUHAY CLICK HERE 
About the Author

No comments:

Post a Comment