Patrick Gino
Hi!
I'm Patrick Gino isang Blogger from Daet Cam Norte. Sa page kong ito
ipapakilala ko at malalaman mo kung sino ba talaga ako...
Kwentuhan
ko muna kayo tungkol sa buhay ko. Sana pag natapos mong mabasa ang
kwento ng buhay ko ay maging online friend na tayo. Game ka na ba? Ako
ready na!
Bata
palang ako ang dami ko ng pangarap sa buhay, tanda ko pa dati pag
tinatanong ako ni ermat at erpat kung ano ang gusto ko pag laki lagi
kong sinasabi sa kanila na gusto kong maging isang piloto :) pag laki
ko.
hindi
naman kami mayaman may simpleng pamumuhay kumakain din naman ng tatlong
beses sa isang araw isang mekaniko ng sasakyan si erpat at isang
mabuting may bahay si ermat. Pinalaki kami ng aming magulang na may
takot sa diyos at tinuruan nila kami kung paano gumalang sa ibang tao
matanda man o hindi.
Simula
nung bata pa ako lahat ng mga pinag liitan na damit ng mga kapatid ko
sa akin ang bagsak sa madaling salita lahat ng pinag lumaan nila ako ang
sumasalo kaya kung mag karoon man ako ng bagong damit yun ay tuwing
pasko lang ganon na talaga siguro ang kapalaran ng bunso. Dahil ako ang
bunso sa tatlong anak nilang lalaki. no choice ako kundi tumahimik
nalang sa ganoong sitwasyon.
Tanggap
ko na din dahil alam ko naman ang kalagayan ng pamumuhay namin. Taong
1991 ng lumipat kami ng Daet Camarines Norte Mula Tanza Navotas City e
dinayo pa namin ang probinsya ng Daet para makapag simula ng panibagong
kapalaran maliit pa ako nun at ako ay grade 1 palang ng mga panahon na
yun.
Taken at Borabod Daet Cam Norte year 1991 |
Pero maraming mga pasyalan na kung ang gusto mo ay nature trip ang daming pwedeng puntahan sa mga panahon na yun. Yung picture na nasa ibaba ay kuha ito sa Mampurog Daet Cam. Norte. Isang Running Water mula sa Bundok. Ang masasabi ko lang talaga ay masarap balikan ang mga nakaraan lalo na pag nakikita ko ang mga photo namin noon.
Taken at Mampurog year 1991 |
dahil sa bata pa kaming mag kakapatid nun eh hindi pa namin masyadong alam ang mga nangyayare sa aming pamumuhay. Para sakin basta kasama ko lang ang mga magulang ko kahit saan kami makarating okay na okay sa akin.
Taken at Boarabod Daet Cam Norte Lupton Residence Year 1995 |
Kaya
kami napad pad sa Bayan ng Daet ay dahil sa aking Ermat at ang aming
Lola na nanay ng aking Ermat. Ang aking Ermat ay isang bicolana, at ang
aking lola naman ay naka pag asawa ng isang Bitish at yun si Uncle Tony.
Napaka Bait ng dayuhan na ito mapag mahal di lang sa kapwa pati narin
sa mga hayop.
Taong
1991 ng kinausap ang aking ermat ng aking lola na lumipat kami ng
tirahan sa bicol. Nung mga panahon na yun naisipan ng dayuhan na si
Uncle Tony na manirahan dito sa pilipinas. at mamuhay kasama ang aking
Lola.
Mistulang
naging Reyna ang aking Lola na si Mama Tuding dahil lahat ng gusto nito
ay binibigay ng dayuhan na asawa. Naging masagana ang Pamumuhay ng
Pamilya namin nun dahil sa tulong ni Uncle Tony...
Si
Erpat ang pinag katiwalaan ni Uncle Tony ng mga panahon na nabubuhay pa
sya. Dahil may namana naman si erpat sa naibentang palaisdaan ng kayang
lola ay naisip narin ni erpat na mag patayo ng bahay katabi ng bahay ng
dayuhan na si Uncle Tony. At binigyan si Ermat at Erpat ng Puhunan para
makapag simulang mag tayo ng negosyo. At yun ang naisip nila na negosyo
ang tindahan sa palenke at school supplies store sa tapat ng aming
paaralan.
Hindi
pa kasi masyado marami ang mga sasakyan sa lugar ng daet nung mga
panahong iyon kaya hindi itinuloy ni erpat ang pag mimikaniko at mag
tayo ng talyer sa bayan ng Daet. kasama si Ermat pinag tuunan nila ng
pansin ang pag titinda.
Sa
loob ng isang Taon napakarami ang nangyare. Maraming napapansin si
erpat sa mga nangyayare sa aming at ramdam nya din ang lungkot sa lugar
namin kesa nung nasa manila pa kami. siguro nga sa loob ng isang tao eh
hindi pa sapat para makapag adjust kami ng sistema ng pamumuhay. Dahil
sa purong tagalog kami ay hirap kami makipag usap sa mga taga Daet na
talaga dahil ang salita nila ay may halong bicol.
Bago
matapos ang School Year ay kinausap ni ermat at erpat ang aking lola at
ang british na kami ay babalik na sa manila para ipag patuloy ni erpat
ang kanyang negosyong talyer sa aming lumang bahay. At alam ko din naman
na hirap din si erpat ng mga panahon na yun dahil ayaw din nyang i-asa
ang kabuhayan namin sa aming lola at british sa madaling salita ay
nahihiya ,na sila sa binibigay sa kanilang tulong ng british at ng aking
lola. Isa pa Lapitin si erpat ng Inggit dahil kinaiingitan sya ng mga
kapatid ng aking Ermat dahil sya ang pinag katiwalaan ng British.
Basta talaga ang isang tao ay malaki ang inggit sa katawan ay sisirain ka nito walang pinipiling Kamag anak kakilala o kaibigan.
Abangan ang Susunod na Kabanata. "ANG PAG BABALIK SA BALWARTE"
No comments:
Post a Comment